Monday, April 25, 2011

Talambuhay ni Apolinario Mabini

Apolinario Mabini Born: 1864-1903, kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon, ay pangalawa sa walong anak nina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan, sa baryo Talaga, Tanauan Batangas

Maikling Kwento

          

Here are some Samples of Maikling Kwento - i will update this soon.


Sa dulo ng daanan ay maliwanag.
             Sa kabila ng liwanag ay ang inyong bahay.
             May mga batang nagpapaputok ng payb star.
             Ngunit wala kang marinig.
             Ngayo’y marahan ka ng naglalakad papunta sa harap ng inyong bahay.
             Nakatingin sa iyo ang iyong mga kapit-bahay.
             Ang isa’y tumatakbo patungo sa iyo.
             Umiiyak.
             Tinatawag ka.
             Ngunit di mo siya pansin.
             Ang paningin mo lang ay nasa durungawan.
             Sa kahong iyon. May mga nagsisiiyakan.  May itim na tabing.
Maliwanag sa loob.
Ang aking inay… patuloy na ang pag-agos ng luha.

Tuesday, April 19, 2011

Alamat ng Alitaptap

ALAMAT NG MGA UNANG ALITAPTAP

This one of the most search topic of the Filipino Subject - Alamat


ALAMAT NG MGA UNANG ALITAPTAP
Ang sabi ay tao lamang ang gumagamit ng apoy. Ang mgahayop daw ay hindi. Ito ay hindi totoo sapagka't ang mga alitaptap aygumagamit din ng apoyAlam mo ba kung bakit gumagamit ng apoyang mga alitaptap?
Noong unang panahonang mga alitaptap ay maliliit nakulisap lamangAng mga kulisap na iyon ay walang dala-dalang apoy.Nguni't ito ring mga kulisap na ito ang tinatawag natin ngayongALITAPTAP. Bakit kaya sila ngayon ay may dal-dalang apoy na kikisap-kisap?
Gaya rin ng mga alitaptap ngayonang mga kulisap noongunang panahon ay gabi lamang kung lumipadNaguni't ayaw na ayawnila ng mga gabing madilimAng ibig nila ay mga gabing maliwanagang buwan. Kapag madilim ang gabi ay nagtatago sila sa mga damo.Nagtatago sila sa mga dahon at sa mga bulaklakSila ay takut natakotBakit kaya?
Isang gabing madilimwalang malamang pagtaguan ang mgakulisap na iyonNakakita sila ng isang punong sampaguita. Ang ilansa kanila ay nagkubli sa nga bukong bulaklak nitoMayroon namangnagkubli sa mga talulot.
"Bakit ba?" ang tanong ng sampaguita. "Bakit ba kayo nagtatago?Bakit ba kayo takot na takot? Kayo ba ay natatakot sa dilim?"
"Hindi kami sa dilim natatakot," ang sagot ng isang kulisap.
"At saan?" ang tanong ng sampaguita.
"Sa mga kabag-kabag," ang sagot ng maraming kulisap.
"Bakit kayo natatakot sa mga kabag-kabag?" ang tanong ng sampaguita.
"Inaano b akayo ng mga kabag-kabag?"
"Kami'y kinakain nila," ang sabi ng mga kulisap. "Kapag kami ay nakita nila ay hinuhuli kami at iyon na ang katapusan ng aming buhay."
"Masama naman ang ginagawa sa inyo ng mga kabag-kabag," ang wika ng sampaguita.

"Biruin mo, kay rami ng mga kabag-kabag," ang sabi ng isang kulisap. "Kaya kami ay pakaunti nang pakaunti."
"Mauubos nga kayo kung ganyan," ang wika ng sampaguita. Kaawaawa naman kayo."
"Hindi nga namin malaman kung ano ang aming gagawin," Ang wika ng mga kulisap.
"Eh, bakit kung maliwanag ang gabi ay hindi kayo nagkukubli sa aking ouno?" ang tanong ng sampaguita.
"Kung maliwanag ang buwan ay mahirap kaming mahuli ng mga kabag-kabag," ang sagot ng isang kulisap.
"Hindi makakita sa liwanag ang mga kabag-kabag, eh," ang dugtong ng isang kulisap.
"Sila ay nasisilaw sa liwanag," ang dugtong pang uli ng isang kulisap.
"Ganoon pala. Hindi pala makakita sa liwanag," ang sabi ng sampaguita. "Tuturuan ko kayo kung ano and dapat ninyong gawin."
"Ano ba? Ano ba ang dapat naming gawin?" ang tanong ngbawa't kulisap.
"Bawa't isa sa inyo ay magdala ng apoy," ang sabi ngsampaguita. "Pagkatapos ay magsabay-sabay kayong lumabas.Matatakot sila sa inyo. Hindi nila kayo malalapitan."
"Oo ngasiya nga," ang sabay-sabay na sabi ng ilang kulisap.
"Mabuti nga, ano?" ang sabi pa rin ng ibang kulisap.
Ganoon na nga ang ginawa ng mga kulisap. Isang gabing madilim, ang bawa't isa sa kanila ay nagdala ng apoy, pagkatapos ay nagsabay-sabay silang lumabas. Naku! Para silang alipatong lumilipad. Hindi nga naman sila malapitan ng mga kabag-kabag.
Anong tuwa ng mga kulisap. Lumipad sila nang paikut-ikot sa punong sampaguita.
"Salamat sa iyoSampaguitaKami ngayon ay malaya na."
Mula na noon tuwing lalabas ang mga kulisap pag madilim anggabi nagdadala sila ng apoyAng mga kulisap na iyon din angtinatawag ngayong "ALITAPTAP."

Alamat ng Rosas

I know a lot of Filipino Students are looking for Alamats - here is one i got.. this is called

ALAMAT ng ROSAS

Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang "Rosa," na balita sa kanyang angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyang kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.

Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito'y nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito sa hardin.

Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di'y siya'y naging bangkay. Sa takot ni Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon upang di na magbalik kailanman.

Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin lamang ng sinuman.