Thursday, January 27, 2011

Talumpati Tungkol sa Pag-ibig

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio
Andres Bonifacio is Philippine National Hero. He is the Founder of Katipunan who rise against the Spanish Regime.
"Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala…

Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang kumupkop;
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot…


For More Talumpati Follow Me on Twitter

Sa kaniya’y utang ang unang pagtanggap
Ng simoy ng hanging nagbigay-lunas
Sa inis na puso na sisinghap-singhap
Sa balong malalim ng siphayo’t hirap…

Ang nangakarang panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin,
Liban pa sa bayan saan tatanghalin?…

Kung ang bayang ito’y nasasapanganib
At siya ay dapat ipagtangkilik
Ang anak, asawa, magulang, kapatid
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit…

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog?
Nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
Baya’y inaapi, bakit di kumilos
At natitilihang ito’y mapanood?…

Kayong mga dukhang walang tanging [palad]
Kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap
Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas
Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig,
Hangang sa may dugo’y ubusing itigis,
Kung sa pagtatanggol buhay ay mapatid
Ito’y kapalaran at tunay na langit."


Talumpati sa Twitter 

Tagalog Quotes

Top 8 Tagalog love quotes and funny tagalog quotes today


 "Minsan di sapat na mahal mo ang isang tao, at alam mo na mahalaga ka para sa ka niya, kc bago ang lahat.... dapat alam mo ang pinagkaiba ng Mahal sa Mahalaga lang " ! love Sweet Tagalog sayings by Unknown


 "Ang hangin kahit san pwede pumunta pwede ma dama at pwede makasama Samantala ako nandito  mag-isa habang iniisip ka."


 "what if the person you secretly love tells you that he already found the one he wants to spend forever with would you be brave enough to ask who it is or just bear the pain not knowing it's you after all?"


For More Quotes everyday click here to  Follow Me on Twitter  




"bakit kailangan pang umibig ang isang tao kung sya ay di ka naman kayang mahalin.. sakit di ba?? pero mas masakit na makita mo ang mahal mo na nagmahal pala ng iba habang nagpapakatanga ka"


"Paano kung sobrang in love ka sa isang tao, tapos isang araw bumalik ung una mong minahal... Cno pipiliin mo? Ung dati na gusto mong balikan.... o ung ngayon na ayaw mong saktan" Author : Unknown


"ansaket maramdaman na khit kelan, nde mo ako matututunang mahlin...masaket icipn na umaasa ako sa wala...at lammo pinakamasaket? ang makita kang masaya pag dumadaan sya"


"sabi nila: kung nagmamahal ka  lahat ibibigay moh
oras, atensyon, pagod, pagkalinga, pagmamahal, lahat-lahat!
u wud even giv another chance wen once failed."


"The time I asked you, bakit ka masaya? You answered kc kasama ko ang mahal ko... Then u asked me bakit ikaw parang malungkot....kasi kasama ng mahal mo ang taong mahal ko"

Maikling Talumpati



Maikling Talumpati - is a high search keyword for Filipino students from Elementary and Highschool this subject Mainly focused in Filipino Subject.  Maikling Talumpati means shorts speech in English. I will try to update or add more talumpati as soon as i can.


Talumpati ni Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya 
Sa pagkadalisay at pagkadakila 
Gaya ng pag-ibig sa tinub'ang lupa? 
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala...
Walang mahalagang hindi inihandog 
Ng may pusong mahal sa Bayang kumupkop; 
Dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod, 
Buhay ma'y abuting magkalagot-lagot... 
Sa kaniya'y utang ang unang pagtanggap 
Ng simoy ng hanging nagbigay-lunas 
Sa inis na puso na sisinghap-singhap 
Sa balong malalim ng siphayo't hirap...
Ang nangakarang panahon ng aliw 
Ang inaasahang araw na darating 
Ng pagkatimawa ng mga alipin, 
Liban pa sa bayan saan tatanghalin?...
Kung ang bayang ito'y nasasapanganib 
At siya ay dapat ipagtangkilik 
Ang anak, asawa, magulang, kapatid 
Isang tawag niya'y tatalikdang pilit...
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog? 
Nasaan ang dugong dapat na ibuhos? 
Baya'y inaapi, bakit di kumilos 
At natitilihang ito'y mapanood?...
Kayong mga dukhang walang tanging [palad] 
Kundi ang mabuhay sa dalita't hirap 
Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas 
Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig, 
Hangang sa may dugo'y ubusing itigis, 
Kung sa pagtatanggol buhay ay [mapatid] 
Ito'y kapalaran at tunay na langit


For More Talumpati - Follow me on Twitter

Bob Ong Quotes

Bob Ong is one of the famous selling book today. Filipinos anywhere are fan of Bob Ong Quotes. Even today Bob Ong Quotes are now famous in the internet such as Facebook, Twitter and all other social media sites.

For More Bob Ong Quotes Everday - Follow me on Twitter -  Bob Ong Quotes

List of Famous Bob Ong Quotes


Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na
araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.

makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang ang taong uupo satabi mo...
ganyan ang senaryo sa bus.. Ganyan din ang pag-ibig .. Lalong di mo kontrolado kung kailan sya bababa

paano mo makikita yung para sayo kung ayaw mong tantanan yang pinipilit mong maging iyo

hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.

Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak
para alagaan ang sarili mo

Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag
natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila

kung dalawa mahal mo piliin mo ung pangalawa.. kc di ka naman mag mamahal ng iba kung mahal mo talaga ung una.

kung sa tingin mo naloko mo ako.. nag kakamali ka.. kc ikaw ang naloko ko..pinaniwala kita na naloko mo ako...
Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.


Minsan hindi rin naman talaga ginusto ng mga taong minahal naten ang saktan tayo. Hindi naman nila sinasadyang iwan tayo para sa bagong dumating. Minsan kailangan natin tanggapin na sa paniniwala nila, mas mahal nila yun. Ganun lang naman talaga, dun sila kung saan sila masaya. Ganun din naman siguro ang gagawin natin, kung tayo ang nasa sitwasyon di ba? Lahat tayo mararanasang AGAWIN, MANG-AGAW at MAAGAWAN. Pana-panahon lang yan.

Famous Tag for Bob Ong
Bob Ong Kowts
Bob Ong Pinoy
Bob Ong Books

Bugtong na may sagot

Nakayuko ang reyna 
di nalalaglag ang korona.
sagot: Bayabas

Buto't balat
lumilipad.

Sagot: Saranggola

Isang reynang maraming mata
nasa gitna ang mga espada.
Sagot: Pinya
Heto na si Ingkong
nakaupo sa lusong.
Sagot: Kasoy

Dalawang batong itim,
malayo ang nararating.
Sagot: Mata

Eto na ang magkapatid
Nag-uunahang pumanhik.
Sagot: Mga Paa

Tungkod ni apo
hindi mahipo.
Sagot : Kandila na tigas

Mataas kung nakaupo
mababa kung nakatayo.
Sagot: Aso


Nakatalikod na ang prinsesa, 
mukha niya'y nakaharap pa.  
Sagot: Balimbing


Sa liwanag ay hindi mo makita. Sa dilim ay maliwanag sila. I can't see it in the light but I can see it in the dark.

May puno walang bunga
may dahon walang sanga.
Sagit: sandok

Palda ni Santa Maria. Ang kulay ay iba-iba. Maria's skirt, in different colours.

Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo.  One plate, can be seen around the world.

Nagsaing si Hudas, kinuha ang tubig itinapon ang bigas. Judas cooked the rice, he took the water and throw the rice.

Bahay ni Tinyente nag-iisa ang poste. House of the Lieutenant,with only one post.
For More Bugtong Follow me on Twitter

Wednesday, January 26, 2011

Alamat ng Saging

ANG ALAMAT NG SAGING
Alamat ng Saging is famous alamat for Filipino students for Elementary and Highschool. alamat ng saging is folklore of Philippine cultures.

ANG ALAMAT NG SAGING
Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.


Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.

Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao.
Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.

Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.

"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.

Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.

Mga uri ng Kwento

Kinds of Story - Uri ng Kwento in Filipino. A Filipino subject and will be explained different kinds of story in Tagalog


Mga Uri ng Kwento 


1. Kwento ng tauhan o pantao – nangingibabaw sa kwentong ito ang isang masusing pag-aaral at paglalarawan sa tunay na pagkatao ng pangunahing tauhan.

Hal. Tata Selo, Impong Sela, Kwento ni Mabuti

2. Kwento ng banghay omakabanghay – ang pangyayari sa loob ng kwento, ang banghay, ang siyang nangingibabaw, sapagkat dito nasasalig ang magiging katayuan o kalagayan ng mga tauhan. Ang pangyayari sa kwento’y dapat na magkasunud-sunod na may pinakamataas na antas na tinatawag na kasukdulan.

Hal. Humarap si Dinong sa Diyos

3. Kwento ng katutubong-kulay – nangingibabaw rito ang paglalarawan ng isang tiyak na pook; ang anyo ng kalikasan doon at ang uri, pag-uugali, paniniwala, pamumuhay, pananamit, at pagsasalita ng mga taong naninirahan sa pook na iyon.

Hal. Suyuan sa tubgan

4. Kwento ng kapaligiran – kwentong ang paksa ay mga pangyayari o bagay na mahalaga sa lipunan o pamayanan. Hindi lamang bagay na nadarama ang sumasakop dito kundi damdaming namamayani sa isang katha.

5. Kwento ng pag-ibig – ang galaw ng kasaysayan ay umiikot sa pag-ibig, kaya ang paglalahad sa iba mga sangkap ng kwento ay madalian, mababaw at hindi kapuna-puna.

6. Kwento ng kababalaghan – naglalaman ng mga pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat salungat sa batas ng kalikasan at makatwirang pag-iisip. Ang ganda ng ganitong uri ng kwento ay nasa pananabik na malaman kung paano malutas o maipaliliwanag ng bayani ang kababalaghang naganap.