Wednesday, January 26, 2011

Mga uri ng Kwento

Kinds of Story - Uri ng Kwento in Filipino. A Filipino subject and will be explained different kinds of story in Tagalog


Mga Uri ng Kwento 


1. Kwento ng tauhan o pantao – nangingibabaw sa kwentong ito ang isang masusing pag-aaral at paglalarawan sa tunay na pagkatao ng pangunahing tauhan.

Hal. Tata Selo, Impong Sela, Kwento ni Mabuti

2. Kwento ng banghay omakabanghay – ang pangyayari sa loob ng kwento, ang banghay, ang siyang nangingibabaw, sapagkat dito nasasalig ang magiging katayuan o kalagayan ng mga tauhan. Ang pangyayari sa kwento’y dapat na magkasunud-sunod na may pinakamataas na antas na tinatawag na kasukdulan.

Hal. Humarap si Dinong sa Diyos

3. Kwento ng katutubong-kulay – nangingibabaw rito ang paglalarawan ng isang tiyak na pook; ang anyo ng kalikasan doon at ang uri, pag-uugali, paniniwala, pamumuhay, pananamit, at pagsasalita ng mga taong naninirahan sa pook na iyon.

Hal. Suyuan sa tubgan

4. Kwento ng kapaligiran – kwentong ang paksa ay mga pangyayari o bagay na mahalaga sa lipunan o pamayanan. Hindi lamang bagay na nadarama ang sumasakop dito kundi damdaming namamayani sa isang katha.

5. Kwento ng pag-ibig – ang galaw ng kasaysayan ay umiikot sa pag-ibig, kaya ang paglalahad sa iba mga sangkap ng kwento ay madalian, mababaw at hindi kapuna-puna.

6. Kwento ng kababalaghan – naglalaman ng mga pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat salungat sa batas ng kalikasan at makatwirang pag-iisip. Ang ganda ng ganitong uri ng kwento ay nasa pananabik na malaman kung paano malutas o maipaliliwanag ng bayani ang kababalaghang naganap. 

No comments:

Post a Comment