Thursday, January 27, 2011

Bugtong na may sagot

Nakayuko ang reyna 
di nalalaglag ang korona.
sagot: Bayabas

Buto't balat
lumilipad.

Sagot: Saranggola

Isang reynang maraming mata
nasa gitna ang mga espada.
Sagot: Pinya
Heto na si Ingkong
nakaupo sa lusong.
Sagot: Kasoy

Dalawang batong itim,
malayo ang nararating.
Sagot: Mata

Eto na ang magkapatid
Nag-uunahang pumanhik.
Sagot: Mga Paa

Tungkod ni apo
hindi mahipo.
Sagot : Kandila na tigas

Mataas kung nakaupo
mababa kung nakatayo.
Sagot: Aso


Nakatalikod na ang prinsesa, 
mukha niya'y nakaharap pa.  
Sagot: Balimbing


Sa liwanag ay hindi mo makita. Sa dilim ay maliwanag sila. I can't see it in the light but I can see it in the dark.

May puno walang bunga
may dahon walang sanga.
Sagit: sandok

Palda ni Santa Maria. Ang kulay ay iba-iba. Maria's skirt, in different colours.

Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo.  One plate, can be seen around the world.

Nagsaing si Hudas, kinuha ang tubig itinapon ang bigas. Judas cooked the rice, he took the water and throw the rice.

Bahay ni Tinyente nag-iisa ang poste. House of the Lieutenant,with only one post.
For More Bugtong Follow me on Twitter

7 comments:

  1. tubig ang iginatong ko, apoy ang isinaing ko. what's the answer pls? tnx

    ReplyDelete
  2. kinalog ang balangkas,sumayaw ng ilagpak,nang maglihi'y namatay.ang mag anak ay nabuhay.whats the answer pls....

    ReplyDelete
  3. SA LUPA'Y KUKUPAD-KUPAD, SA TUBIG AY MABILIS UMUSAD

    ReplyDelete
  4. limang punong niyog, iisa ang matayog

    ReplyDelete